Sa pamamagitan ng kapuwa online at offline na plataporma, ginanap Martes, Mayo 31, 2022 ang Seminar on Dr. Kissinger and China-US Relations.
Sinariwa rito ang ginawang positibong pagsisikap ni Dr. Henry Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika sa pagpapasulong sa relasyong Sino-Amerikano.
Sa kanyang talumpati sa pamamagitan ng video link, inihayag ni Kissinger na nitong nakalipas na ilang dekada, walang humpay na umunlad ang relasyong Amerikano-Sino, subalit sa kasalukuyan, nangingibabaw ang alitan sa maraming larangan, at naging maigting ang bilateral na relasyon.
Aniya pa, kumpara noong nakaraang mahigit 50 taon, naging mas malaki ang responsibilidad ang Tsina at Amerika.
Hinggil dito, kung iiwasan aniya ng dalawang bansa ang komprontasyon at sagupaan, at hahanapin ang mabisang paraan ng pakikipamuhayan, maitatatag ang mas magandang daigdig.
Ipinalalagay naman ng mga kalahok sa seminar na napakahalaga ang katuturan ng relasyong Sino-Amerikano para sa katatagan at kasaganaan ng mundo.
Anila, dapat palakasin ng magkabilang panig ang pag-uugnayan at diyalogo, unawain ang nukleong interes ng isa’t isa, at igalang ang mahahalagang pagkabahala.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Henry Kissinger, ibinahagi ang mga matalinong palagay hinggil sa relasyong Amerikano-Sino
Xi Jinping at Henry Kissinger: relasyong Sino-Amerikano, dapat umunlad sa tamang direksyon
Amerika, pinakamalaking sanhi ng kawalan ng katatagan sa kalagayang pandaigdig - Tsina
Pag-unawa ng Amerika sa daigdig, Tsina, at relasyong Sino-Amerikano, nakalihis — Wang Yi