Sasakyang pangkalawakang Shenzhou-14, matagumpay na inilunsad

2022-06-05 13:13:05  CMG
Share with:

Sakay ng Long March-2F Rocket, matagumpay na lumunsad, alas-10:44 ng  umaga, Hunyo 5, 2022 (Beijing time), mula sa Jiuquan Satellite Launch Center sa hilagang kanlurang Tsina, ang sasakyang pangkalawakan na Shenzhou 14.

 

Ayon sa China Manned Space Engineering Office (CMSEO), ito ang ika-23 misyon ng paglulunsad sapul nang itatag ang CMSEO, at ika-3 may tripulanteng misyon sa kalawakan papuntang space station ng Tsina.

 

Sa kasalukuyan, pumasok na sa nakatakdang orbita ang space station para sa paghuhugpong, at nasa maayos ang lahat ng sistema.


Salin: Lito

Pulido: Rhio