Tsina, nagprotesta sa aksyon ng eroplanong militar ng Canada

2022-06-07 14:03:15  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng paglipad ng eroplanong militar ng Canada sa teritoryo ng Tsina at ang naging tugon dito ng panig Tsino, ipinahayag nitong Lunes, Hunyo 6, 2022 ni Colonel Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang aksyon ng eroplanong militar ng Canada ay isang probokasyon sa Tsina at nakapinsala sa pambansang seguridad ng bansa.

 

Sinabi pa ni Wu na ang nasabing aksyon ay banta rin sa kaligtasan ng mga front-line staff ng panig militar ng dalawang bansa. Hinimok ni Wu ang Canada na huwag isagawa muli ang anumang mapanganib na aksyon at probokasyon.

 

Kung hindi, sinabi pa niya, ang Canada ang siyang magiging responsable sa lahat ng mga malubhang resulta na idudulot nito.


Salin: Ernest

Pulido: Mac