Sa ilalim ng temang “Berde at Mababang Karbon, Magtipid Muna ng Enerhiya,” sinimulan ngayong araw, Hunyo 13, 2022 ang Pambansang Linggo ng Pagtitipid ng Enerhiya ng Tsina.
Tatagal hanggang Hunyo 19, ito ang ika-32 beses nang tuluy-tuloy na pagtataguyod ng bansa ng ganitong aktibidad.
Nitong nakalipas na ilang taon, inilunsad din ng Tsina ang mga kampanyang gaya ng “kampanya ng pag-ubos ng pagkain sa plato,” at iminungkahi ang berdeng pamamasyal, pag-uuri-uri ng basura, at pagbili ng mga produktong makakabuti sa kapaligiran.
Ang berdeng pamumuhay ay nagsilbing bagong “moda sa pamumuhay” ng mga mamamayang Tsino.

Pagtatanghal ng low-carbon arts sa Chongqing, Tsina

Mga LED energy-saving lamp sa kalye ng Shanghai

Eksibisyon ng likhang-sining gamit ang recycled paper sa Nanjing, Lalawigang Jiangsu

Produktong yari sa eco-friendly material na itinanghal sa panahon ng Ika-15 Komperensya ng mga Partido ng Convention on Biological Diversity (COP15) sa Kunming, Lalawigang Yunnan

Recycle club sa Beijing

Mga solar energy streetlight sa kanayunan ng Huaibei, Lalawigang Anhui

Mga new energy taxi sa Xiangyang, Lalawigang Hubei

Pagtatanghal ng mga kasuotang gamit ang likas na materyal sa Zhejiang A & F University
Salin: Vera
Pulido: Rhio