CMG Komentaryo: Ang patakaran ng Hapon sa Tsina, nagbabanta sa kapayapaan ng Asya

2022-06-14 16:37:17  CMG
Share with:

Sa katatapos na Ika-19 na Shangri-La Dialogue (SLD) sa Singapore, bumigkas si Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon ng keynote speech na nagsapubliko ng hangarin ng bansang itong kontrahin ang Tsina sa iba’t ibang larangan.


Sa kanyang talumpati, tinira ni Kishida ang patakaran ng Tsina sa isyu ng Taiwan. Sinabi niyang ang di-umanong bantang militar ng Tsina sa Taiwan ay magdudulot ng sagupaan sa Silangang Asya na tulad ng kasalukuyang kaganapan sa Ukraine.


Ang layon nito ay dagdagan ang laang-gugulin sa panig militar ng Hapon at palitan ang probisyon sa konstitusyon nito na naglilimita sa karapatang pandigma.


Bukod dito, iniharap din niya ang plano ng seguridad na pangkabuhayan para mapigilan ang pagkakaloob ng serbisyong pang-teknolohiya sa Tsina.


Sa katotohanan, ang pag-unlad ng Tsina ay nagdudulot ng maraming pagkakataon sa mga karatig na bansa sa halip ng banta. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay naging pangunahing trade partner ng mga bansang Asyano at nakikinabang ang mga bansang Asyano at kanilang mga mamamayan sa mga aktuwal na kooperasyon nila sa Tsina.


Ito’y naging komong palagay ng mga bansang Asyano. Para sa Hapon, hindi totohanang inamin nito ang mga pagkakamali sa World War II at humingi ng paumanhin sa mga bansang sinalakay nito noong panahon ng digmaan.


Sa kasalukuyan, nagtatangka ang Hapon na pukawin ang komprontasyon sa Tsina. Ito’y totohanang nagbabanta sa katatagan at kapayapaan ng buong Asya.


Salin: Ernest

Pulido: Mac