Pahayag ng ministro ng depensa ng Indonesia sa Shangri-La Dialogue na may kinalaman sa Tsina, binigyan ng positibong pagtasa ng panig Tsino

2022-06-14 15:23:37  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa Shangri-La Dialogue nitong Linggo, Hunyo 12, 2022, binanggit ni Prabowo Subianto, Ministro ng Depensa ng Indonesia ang karanasan ng Asya sa ilalim ng pagmamalabis ng imperialismo at kolonyalismo.

 

Aniya, ang Tsina ay vanguard o tagapangalaga kontra imperialismo, at kaibigan din ng Indonesia. Nananalig aniya siyang isasabalikat ng Tsina ang sariling responsibilidad sa pamamagitan ng katalinuhan at kagandahan ng loob.

 

Nanawagan din siya sa iba’t ibang bansa na igalang ang pag-ahon ng Tsina.

 

Kaugnay nito, binigyan nitong Lunes ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ng positibong pagtasa ang pahayag ni Subianto.

 

Saad ni Wang, nitong nakalipas na 67 taon, nagtipun-tipon sa Indonesia ang mga bansang Asyano, Aprikano at Latin-Amerikano para sa kilalang Bandung Conference. Batay sa limang simulain ng mapayapang pakikipamuhayan, iniharap nila ang sampung simulain ng Bandung Conference, at tiniyak ang diwa ng Bandung na may pagkakaisa, pagkakaibigan at pagtutulungan.

 

Aniya, mahalaga ang realistikong katuturan nito para sa paghawak sa kasalukuyang relasyong pandaigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac