Mga ministrong panlabas ng Tsina at Indonesia, nag-usap

2022-05-25 14:49:51  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono ngayong araw, Mayo 25, 2022 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Retno Lestari Priansari Marsudi, Ministrong Panlabas ng Indonesia, para talakayin ang G20 Summit na idaraos sa Bali, Indonesia.

 

Kapwa nilang sinang-ayunan ang pagpapasulong ng tagumpay ng nasabing summit.

 

Ipinahayag ni Wang na matatag na kinakatigan ng Tsina ang maayos na pagdaraos ng Indonesia ng G20 Summit sa Bali.

 

Sinabi pa ni Wang na inayunan ng Tsina ang paninindigan ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia na nagsasabing ang G20 Summit ay isang plataporma sa pagtalakay ng usaping pangkabuhayan sa halip ng pulitika.

 

Nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa isyu ng Ukraine. Kapwa silang nanawagan sa kumunidad ng daigdig na magsikap para maisakatuparan ang tigil-putukan sa Ukraine at mapanumbalik ang talastasang pangkapayapaan.


Salin: Ernest

Pulido: Mac