Two-way transmission ng koryente, naisakatuparan ng Tsina at Laos sa kauna-unahang pagkakataon

2022-06-21 15:28:08  CMG
Share with:

Sa kauna-unahang pagkakataon, naisakatuparan nitong Lunes, Hunyo 20, 2022 ng Tsina at Laos ang two-way transmission ng koryente, sapul nang ilunsad ang grid connectivity project ng dalawang bansa noong nagdaang 12 taon.

 

Matagumpay na inihatid nitong Lunes ng Nam Tha 1 Hydropower Station sa hilagang Laos ang koryente sa Lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina.

 

Upang resolbahin ang isyu ng surplus ng hydropower sa Laos sa panahon ng tag-ulan, nilagdaan ng China Southern Power Grid (CSG) at Electricite du Laos (EDL) ang isang 115 kV power trade agreement noong nagdaang Marso.

 

Sinang-ayunan ng kapuwa panig na ihatid ang ekstrang hydropower mula Laos patungong Lalawigang Yunnan sa panahon ng tag-ulan, at sa panahon ng tag-tuyot naman, isuplay ng CSG ang koryente sa hilagang Laos.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac