CMG Komentaryo: Imbestigasyon sa isyu ng karapatang pantao ng Amerika, dapat ilakip sa agenda

2022-06-17 16:26:33  CMG
Share with:

Sa Ika-50 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), sa ngalan ng halos 70 bansa, isinumite kamakailan ng Cuba ang magkakasanib na pahayag ng pagtutol sa paggamit ng ilang bansa sa isyu ng karapatang pantao upang paki-alamanan ang mga suliraning panloob ng Tsina.

 

Ayon dito, ang mga usapin ng Xinjiang, Hong Kong, at Tibet ay suliraning panloob ng Tsina.

 

Hindi dapat isapulitika ang mga isyu ng karapatang pantao, isagawa ang double standard sa aspektong ito, o paki-alamanan ang mga suliraning panloob ng Tsina sa pangangatuwiran ng karapatang pantao, diin ng pahayag.

 

Anito pa, dapat igalang ng lahat ng panig ang karapatan ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa sa pagpili ng sariling landas ng pag-unlad na angkop sa aktuwal na kalagayan, at dapat ding bigyan ng parehong halaga ang iba’t ibang uri ng karapatang pantao, lalung-lalo na ang mga karapatang pangkabuhayan, panlipunan, pangkultura, at pag-unlad.

 


Samantala, mahigit 20 bansa ang sarilinang nagpahayag ng pagsuporta sa Tsina.

 

Sa katunayan, maraming beses na naganap ang ganitong situwasyon sa mga okasyong pandaigdig, bagay na nagpapakitang may malinaw na pagtasa ang komunidad ng daigdig, lalong lalo na, mga umuunlad na bansa, sa kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina. Ibinunyag nila ang pagkukunwari at double standard ng Amerika at mga bansang kanluranin sa isyu ng karapatang pantao, at malinaw na tinututulan ang paggamit ng Amerika at mga bansang kanluranin ng isyu ng karapatang pantao bilang kasangkapan ng paninikil sa mga kakompetisyon.

 

Hindi maganda ang kilos ng Amerika sa aspekto ng pagpipikit-mata at pagyurak sa karapatang pantao. Di-mabilang ang halimbawa ng tikis na paglapastangan nito sa karapatang pantao na gaya ng bigong kampanya kontra pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), madalas na paglitaw ng mga kontradiksyong panlahi at karahasang may kinalaman sa baril, paulit-ulit na paglulunsad ng digmaang mapanalakay, pagtatayo ng mga lihim na bilangguan sa ibayong dagat at iba pa.

 

Bilang isang tunay na yumuyurak sa karapatang pantao, may karapatan ba itong magsalita ng kung anu-ano hinggil sa karapatang pantao ng ibang bansa?

 

Habang binabatikos ng Amerika ang isyu ng karapatang pantao ng ibang bansa, isang malaking salamin ang dapat ibigay ng komunidad ng daigdig sa Amerika para sa pagsusuri sa sarili, at dapat bigyan na ng petsa ang imbestigasyon ng UNHRC sa kondisyon ng karapatang pantao ng Amerika.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac