Dalawang bunga, narating sa High-level Dialogue on Global Development

2022-06-29 15:44:57  CMG
Share with:


Sa High-level Dialogue on Global Development na ginanap noong isang lingo, iniharap ng panig Tsino ang dalawang bagong ideya ng “Global Development and South-South Cooperation Fund” at sentro ng promosyon sa kaunlarang pandaigdig.

 

Tungkol dito, isinalaysay nitong Martes, Hunyo 28, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kanyang pagdalo sa pulong ng United Nations (UN) hinggil sa South-South Cooperation noong Setyembre 2015, inanunsyo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagtatayo ng South-South Cooperation Assistance Fund, bilang pagsuporta sa pagpapatupad ng mga umuunlad na bansa ng 2030 Agenda for Sustainable Development.

 

Aniya, batay rito, upang pag-ibayuhin ang laang-gugulin sa pandaigdigang kooperasyong pangkaunlaran, ipinasiya ng pamahalaang Tsino ang pag-a-upgrade ng nasabing assistance fund sa Global Development and South-South Cooperation Fund. Samantala, daragdagan ng 1 bilyong dolyares na laang-gugulin, ang kasalukuyang pondong 3 bilyong dolyares, para suportahan ang pagpapatupad ng mga umuunlad na bansa ng Global Development Initiative (GDI) at Agenda for Sustainable Development.

 

Saad ni Zhao, ang sentro ng promosyon sa kaunlarang pandaigdig ang siyang magiging plataporma para sa mga hakbangin at taga-mobilisa ng mga kakailanganin sa pagpapatupad ng GDI.

 

Itatayo ng panig Tsino ang isang project pool na sumasaklaw sa mga pangunahing larangan ng GDI, at itataguyod ang Forum on Global Action for Shared Development, para pagtipon-tipunin ang mga pananaw sa kooperasyon ng GDI, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac