Wang Yaping, ikinagagalak ang pagbibigay ng mga aralin sa mga bata mula sa kalawakan

2022-06-30 16:04:11  CMG
Share with:

Humarap sa media nitong Hunyo 28, 2022, ang tatlong taikonauts ng Shenzhou-13 na sina Zhai Zhigang, Wang Yaping, Ye Guangfu, 74 na araw mula nang bumalik sila sa Mundo.

 

Ito ang kauna-unahang opisyal na pagharap sa publiko ng naturang mga taikonauts pagkaraan ng kanilang misyon sa kalawakan.

 

Si Wang Yaping ang kauna-unahang babaeng taikonaut na pumasok sa space station ng Tsina at nagsagawa ng lakad-pangkalawakan o space walk.

 

Si Wang Yaping


Sinabi niyang, “Sa misyong ito, nakipagkomunikasyon ako sa mga bata sa lupa, nakita ko ang ningning sa mga mata ng mga bata. Sa hinaharap, umaasa akong isasagawa ang mas maraming interaksyon sa mga bata, at nawa ay magiging bahagi sila sa konstruksyon ng space station ng Tsina sa hinaharap.”

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac