CMG Komentaryo: Trahedya ng mga imigrante sa Amerika

2022-06-30 15:23:51  CMG
Share with:

 

Naganap kamakilan ang isang trahedya ng mga imigrante sa San Antonio, Texas sa Amerika. Natuklasan ng mga pulis ng Amerika ang 51 bangkay ng imigrante sa loob ng isang abandonadong truck.

 

Ito ang isa sa mga pinakamalubhang insidente ng pagkamatay ng mga dayuhan sa Amerika. Sa katotohanan, ang isyu ng iligal na imigrante ng Amerika ay isang bunga ng pagsasagawa nito ng hegemonismo sa rehiyon ng Latin America.

 

Ayon sa pahayag na inilabas ng Mexico, ang naturang mga namatay ay kinabibilangan ng Mexican, Guatemalan at Honduran.

 

Nitong nakalipas na mahabang panahon, madalas na nakikialam ang Amerika sa mga suliraning panloob ng mga bansa ng Latin America. Higit pa rito, isinasagawa ng Amerika ang mga aksyong militar at labis na sangsyon sa naturang rehiyon.

 

Dahil dito, nagiging magulo ang kalagayang panloob ng mga bansa ng Latin America at lumilitaw ang mga isyung panlipunan na gaya ng labis na kahirapan at krimen. Ang naturang mga isyung panlipunan ay pangunahing dahilan ng pandarayuhan palabas ng rehiyon ng Latin America.

 

Para sa karamihan ng mga imigrante ng Latin America, walang iba, kundi ang tanging pag-asa para mabuhay ay iligal na pagpasok sa Amerika.

 

Ang nasabing trahedya ay isang bunga lang ng hegemonismo ng Estados Unidos sa Latin America.

 

Kung tunay na pagmamalasakitan ng mga pulitiko ng Amerika ang human rights sa Latin America, dapat itakwil nila ang hegemonismo at isagawa ang aktuwal na hakbangin para maigarantiya ang kaligtasan ng mga imigrante at refugees.


Salin: Ernest

Pulido: Mac