Zhai Zhigang: Kumakabog ang puso habang pabalik ng Mundo

2022-06-30 16:08:56  CMG
Share with:

Humarap sa media nitong Hunyo 28, 2022, ang tatlong taikonauts ng Shenzhou-13 na sina Zhai Zhigang, Wang Yaping, Ye Guangfu, 74 na araw mula nang bumalik sila sa Mundo.

 

Ito ang kauna-unahang opisyal na pagharap sa publiko ng naturang mga taikonauts pagkaraan ng kanilang misyon sa kalawakan.

 


Si Zhai Zhigang, ngayon ang taikonaut na nagsagawa ng pinakamaraming misyong pangkalawakan sa Tsina.

Si Zhai Zhigang

 

Sa preskon, ibinahagi niya ang di-malilimutan na sandali ng pagbalik sa Mundo.

 

Sinabi niyang, “Kumakabog ang puso namin kasabay ng bawat galaw ng return cabin, kasi ang bawat pag-alog ay maaaring magdulot ng panganib. May nerbyos at pananabik ang buong proseso.”

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac