Kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, palalakasin ng Tsina at Laos

2022-07-04 14:58:03  CMG
Share with:

Hulyo 3, 2022, Myanmar – Sa kanyang pakikipagtagpo kay Saleumxay Kommasith, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Laos, sa sidelines ng Ika-7 Lacang-Mekong Cooperation Foreign Minister’s Meeting, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na natamo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Laos ang mahalagang progreso, lumalaki ang bilateral na kalakalan sa kabila ng mga kahirapan, at mabisa ang takbo ng China-Laos Railway.



Aniya, dapat ibayo pang palakasin ng kapuwa panig ang estratehikong komunikasyon, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, magkasamang harapin ang mga hamon, at ipagtanggol ang katuwiran at katarungang pandaidig, upang pag-ibayuhin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Laos.

 

Inihayag naman ni Saleumxay na ipinakikita ng matagumpay na pagsasaoperasyon ng Laos-China Railway ang napakalaking kahalagahan at bunga ng Belt and Road Initiative.



Tinutulungan aniya nito ang Laos na maging isang land-linked hub, mula sa dating land-locked country, at inihahatid ang aktuwal na benepisyo sa mga mamamayang Lao.

 

Dagdag niya, may mataas na ekspektasyon ang kanyang bansa sa kinabukasan ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Laos.


 


Umaasa aniya siyang maisasagawa ang estratehikong sinerhiya sa mga planong pangkaunlaran ng panig Tsino, at pabibilisin ang pagpapatupad ng isang serye ng mga kasunduan sa bilateral na kooperasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio