Ayon sa survey na inilathala sa website ng “The Intercept” ng Amerika, mula noong 2017 hanggang 2020, inilunsad ng bansa ang di-kukulangin sa 23 proxy war sa buong mundo sa pamamagitan ng proyektong “127e.”
Kabilang sa mga ito, di-kukulangin sa 14 ang naganap sa Gitnang Silangan at Asya-Pasipiko.
Ayon pa sa naturang website, nasa aktibong kondisyon ang di-kukulanging 14 na proyekto noong 2020.
Kung totoo ang balitang ito, ito ay bagong ebidensya sa paglulunsad ng Amerika ng mga proxy war sa daigdig nitong nakalipas na mahabang panahon.
Ito rin ay ibayo pang patunay na ang Amerika ay ang pinakamalaking ugat ng kaguluhan sa buong daigdig.
Ang impormasyong ibinunyag ng The Intercepet ay isa lamang sa napakaraming halimbawa ng ginawa ng Amerika noong nagdaang ilang dekada.
Sa likod ng halos lahat ng mga kaguluhan sa Gitnang Silangan, Silangang Europa, Latin Amerika, maging ng daigdig, makikita ang pakikialam ng Amerika.
Mahilig ang Amerika sa paglulunsad ng “color revolution,” pagtatanim ng “ahenteng panrehiyon,” at paglulunsad ng mga proxy war.
Nitong nakalipas na 240 taon, wala pa sa 20 taon ang hindi pakikisangkot ng Amerika sa digmaan.
Dahil sa mga digmaang ito, lumitaw ang mga “ahente” at target na bansa sa kaguluhan at sagupaan, pagkawala ng buhay ng mga inosenteng mamamayan, at pagkakagulo ng kalagayang panrehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio