Wang Yi at Antony Blinken, magtatagpo sa Bali

2022-07-06 10:41:10  CMG
Share with:

 

Ipinahayag Hulyo 5, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matatagpo sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, sa Bali, Indonesia kasabay ng kanilang paglahok sa pulong ng mga ministrong panlabas ng G20.

 

Ani Zhao, pag-uusapan nina Wang at Blinken ang hinggil sa kasalukuyang relasyong Sino-Amerikano at mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio