Ayon sa mga balita ng American media kamakailan, tinatalakay ng panig Amerikano ang hinggil sa pagkakansela ng ilang mataas na taripang ipinapataw ng dating pamahalaan sa mga panindang Tsino, upang mapahupa ang presyur ng tumataas na implasyon.
Sa katunayan, napagtanto ng mga tao ang dalawang katotohanan: una, hindi dinaranas ng mga pulitikong Amerikano ang sariling kapinsalaang pulitikal para sa pambansang kapakanan ng Amerika at kahilingan ng mga kompanya’t mamamayan; ikalawa, magiging mas malubha ang kapinsalaan sa kabuhayang Amerikano, kung patatagalin ng pamahalaang Amerika ang pag-aalis ng mga taripa laban sa Tsina.
Para sa pagtatagumpay sa halalan, isinakripisyo ng mga pulitikong Amerikano ang kapakanan ng mga karaniwang mamamayan na nagtitiis sa mataas na presyo ng langis, pabahay at pagkain.
Ang umano’y “America First” ay, sa katotohanan, “balota muna, pikit-mata sa kapakanan ng mga mamamayan.”
Napakalinaw ng pakikitungo ng Tsina sa trade war na inilunsad ng Amerika: bukas ang pinto para sa negosasyon, samantalang hindi ito natatakot na gumanti hanggang sa huli.
Sa harap ng pag-aalinlangan ng Amerika sa isyu ng taripa, malinaw din ang pahayag ng Tsina: ang pagkakansela sa lahat ng mga karagdagang taripa sa mga panindang Tsino ay makakabuti sa Tsina at Amerika, maging sa buong mundo.
Salin: Vera
Pulido: Mac