Wang Yi: Pinahahalagahan ng Tsina ang papel ng Indonesia sa pagkakaisa ng G20

2022-07-08 15:45:40  CMG
Share with:

Sinabi kahapon, Hulyo 7, 2022 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang papel ng Indonesia sa pangangalaga ng pagkakaisa ng Group of 20 (G20).


Ang Indonesia ang kasalukuyang tagapangulong bansa ng G20. Nang araw ring iyon, nagtagpo sina Wang at Retno Marsudi, Ministrong Panlabas ng Indonesia sa sidelines ng pulong ng mga ministrong panlabas ng G20 na idinaraos sa Bali, Indonesia simula Hulyo 7 hanggang 8.


Sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na magsalita, kasama ng Indonesia, para maging boses ng mga umuunlad na bansa at umuusbong na ekonomiya, sa pagtutol sa ideya ng Cold War at komprontasyon sa pagitan ng mga grupo, at pasulungin ang makatwiran, pragmatiko at konstruktibong diyalogo at pag-uugnayan sa pagitan ng iba’t ibang panig.


Sinabi ni Mardusi na nakahanda ang kanyang bansa na manawagan sa mga miyembro ng G20 na panatilihin ang pagkakaisa at kooperasyon at gawing priyoridad ang pagbangon pagkatapos ng pandemya para harapin ang kasalukuyang malubhang hamon.


Salin: Ernest

Pulido: Mac