Wang Yi, inilahad ang pagkabahala ng Tsina sa isyu ng Ukraine

2022-07-08 15:42:01  CMG
Share with:

Inilahad nitong Huwebes, Hulyo 7, 2022 sa Bali, Indonesia ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang tatlong pagkabahala ng Tsina sa isyu ng Ukraine na kinabibilangan ng mga sumusunod:


Una, tinututulan ng Tsina ang pag-uudyok ng ideya ng Cold War at komprontasyon sa pamamagitan ng isyung ito. Patuloy na papanigan ng Tsina ang pagpapasulong ng kapayapaan at talastasan ng Rusya at Ukraine.


Ikalawa, hindi tinatanggap ng Tsina ang pag-uugnay ng krisis ng Ukraine sa isyu ng Taiwan, at ipagtatanggol ng Tsina ang sariling mga nukleong kapakanan.


Ikatlo, tinututulan ng Tsina ang paggamit ng ilang bansa ng isyu ng Ukraine para sa pagmamalabis sa unilateral na sangsyon sa ibang mga bansa. Dapat buong sikap na itatag ng iba’t ibang panig ang isang bukas, patas, at walang diskriminasyon na pandaigdigang kapaligiran ng kooperasyon.


Ang posisyong ito ay ipinahayag ni Wang sa pakikipag-usap sa kanyang counterpart na si Subrahmanyam Jaishankar ng India.


Salin: Ernest

Pulido: Mac