CMG Komentaryo: Pangako, dapat sundin ng Amerika

2022-07-11 14:33:12  CMG
Share with:

 

Sa pagtatagpo nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, noong Hulyo 9, 2022 sa Bali Island ng Indonesia, inulit ni Blinken na dapat itayo ang di-umanoy “guardrail” para sa relasyon ng Amerika at Tsina.

 

Pero hindi niya nilinaw kung ano ang ibig sabihin ng “guardrail.”

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Wang na ang “guardrail” ng relasyong Sino-Amerikano ay ang tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa.

 

Sa kanilang pagtatagpo, isinagawa ng dalawang opisyal ang komprehensibo, malalim at matapat na pagtalakay hinggil sa relasyong Sino-Amerikano at mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.

 

Sa katotohanan, ang kasalukuyang kahirapan at hamon na kinakaharap ng relasyong Sino-Amerikano ay nagmula sa di-pagkakasundo ng Amerika sa ibig sabihin ng mga nilalaman ng tatlong magkasanib na komunike at di-pagtupad ng Amerika sa mga pangako nito sa Tsina.

Ang nabanggit na pagtatagpo nina Wang at Blinken ay isang mahalagang aksyong diplomatiko para isakatuparan ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa noong Nobyembre ng 2021.

 

Para mapabuti ang relasyong Sino-Amerikano, dapat sundin ng Amerika ang mga pangako nito sa Tsina sa halip na pagsasagawa ng presyur at probokasyon sa mga isyung kinabibilangan ng Taiwan, Xinjiang at mga bahay-kalakal ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio