Inilabas nitong Lunes, Hulyo 12, 2022 ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang fact sheet hinggil sa natamong bunga ng Ika-50 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), na hayagang kumokondena sa kalagayan ng karapatang pantao sa Tsina.
Bilang tugon, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang dapat ilabas ng Amerika ay isang ulat hinggil sa karapatang pantao sa Amerika.
Kailangan aniyang bigyang-kalayaan ng Amerika ang paghinga ng mga mamamayang tulad ni George Floyd, igarantiya ang karapatan ng mga batang Amerikano na maging ligtas sa pamamaril, at iligtas ang buhay ng mga Amerikano na nagtitiis sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Salin: Vera
Pulido: Rhio