Dadalaw si Pangulong Joe Biden ng Amerika sa Israel, West Bank ng Palestina at Saudi Arabia sa linggong ito. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ni Biden sa Gitnang Silangan sapul nang manungkulan siya bilang Pangulo ng Amerika.
Sa isang artikulo kamakailan, sinabi ni Biden na “napakahalaga” ng naturang pagdalaw para sa Amerika, at binigyan-diin niyang dapat “manalo ang Amerika sa kompetisyon sa Tsina.”
Sa kasalukuyan, ang mataas na presyo ng langis, malalang implasyon, at pagkabalisa ng mga mamamayang Amerikano sa hindi magandang lagay ng ekonomiya, ay nagdudulot ng napakalaking presyur sa pamahalaan ni Biden lalo na sa panahon ng mid-term election. Kaya, ang Saudi Arabia, tanging bansa na mayroong kakayahan ng produksyon na maaaring magpatatag sa pamilihan ng langis, ay naging susi ng pagbabago ng naturang kalagayan ng pamahalaan ni Biden.
Sa gitna ng magulong kalagayang pulitikal sa loob ng Amerika, ang sentimiyentong anti-Tsina ay naging “katotohanang political,” ito ang dahilan kung bakit nabanggit ni Biden ang isyung may kinalaman sa Tsina sa kanyang artikulo.
Ngayon, sa gitna ng pagpapasulong ng Amerika ang “globalisasyon” ng NATO, maliwanag ang palatandaan na nagtatangka ang Amerika na itatayo ang bagong alyansang panrehiyon, at ang “bersyon ng NATO sa Gitnang Silangan.”
Pero, walang anumang bansa ang may gustong isakripisyo ang sariling kapakanan para maging chess piece ng Amerika.
Salin:Sarah
Pulido:Mac