Bagong pangkat ng suplay kontra pandemiya, ipinagkaloob ng Tsina sa Laos

2022-07-20 15:59:06  CMG
Share with:


Vientiane, kabisera ng Laos—Isang bagong pangkat ng suplay kontra pandemiya ang ibinigay ng Tsina sa Laos nitong Lunes, Hulyo 18, 2022.

 

Ayon sa Pasuguan ng Tsina sa Laos, ang nasabing suplay ay magpapalakas ng kooperasyon ng dalawang bansa sa paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at magpapataas sa kakayahan ng Laos sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.

 

Ang mga suplay ay inihatid sa Laos, sa pamamagitan ng China-Laos Railway, transportasyong panghimpapawid at panlupa.

 

Kabilang dito ay isang sasakyang medikal, dalawang mobile laboratory, at iba pang materyal na medikal.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio