CMG Komentaryo: Paninindigan ng MI6 sa Tsina, loko talaga

2022-07-26 16:18:55  CMG
Share with:

Ipinahayag kamakailan ni Richard Moore, Puno ng Secret Intelligence Service (MI6) ng Britanya na ang pangunahing gawain ng MI6 ay nakatuon sa Tsina sa halip ng paglaban sa terorismo. Bukod dito, sinabi niyang dapat ipakita ng mga kanluraning bansa ang maliwanag na signal sa Tsina na huwag gamitin ang militar paraan sa reunipikasyon ng Taiwan.


Ang paninindigan ng MI6 sa Tsina ay hindi nakabatay sa katotohanan.


Ang Tsina ay palagiang aktibong lumalahok sa mga aksyong pamayapa ng United Nations (UN). Ayon sa datos, lumahok ang hukbong Tsino sa 25 aksyong pamayapa ng UN nitong mahigit 30 taong nakalipas. 16 sundalong Tsino ang namatay sa mga naturang misyon.


Kaugnay ng isyu ng Taiwan, ang mapayapang reunipikasyon ng Taiwan ay palagiang unang pagpili ng pamahalaang Tsino, samantala, gagamitin ng panig Tsino ang anumang hakbangin na gaya ng aksyong militar para pangalagaan ang kabuuan ng teritoryo at soberanya ng bansa.


Malinaw ang paninindigang Tsino sa isyu ng Taiwan na hinding hindi pahihintulutan ang paghihiwalay ng Taiwan sa Tsina sa anuman paraan.


Salin: Ernest

Pulido: Mac