“Kasama ang Philippines Chinese Chamber of Commerce & Industry, Inc. (PCCCII), nagkakaloob ang Embahadang Tsino sa Pilipinas ng Php 10 milyong halaga ng tulong sa mga nilindol na purok ng bansa.”
Ito ang inihayag Hulyo 29, 2022 ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa bansa, tungkol sa ibinibigay na tulong ng panig Tsino sa mga nasalanta sa nilindol na lugar sa Luzon.
Ani Huang, inihanda na rin ng Chinese Enterprises Philippines Association (CEPA) ang unang pangkat ng mga “relief bag” na nagkakahalaga ng Php 3.6 milyon para sa mga apektadong lugar ng lindol.
Sinabi rin niyang, laging nakahanda ang Tsina na magbigay ng suporta at tulong sa mga kaibigang Pinoy para sa pagtugon sa epektong dulot ng mga kalamidad.
Salin: Lito
Pulido: Rhio