Prinsipyong isang Tsina, iginigiit ng SCO

2022-08-03 16:01:15  SCO Taiwan
Share with:

Sinabi ngayong araw, Agosoto 3, 2022 ni Zhang Ming, Pangkalahatang Kalihim ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), na ang prinsipyong isang Tsina ay komong palagay na kinikilala ng komunidad ng daigdig at pundamental na prinsipyo sa pandaigdigang relasyon, kaya ito ay iginigiit ng SCO.

 

Tinututulan din aniya ng SCO ang pakikialam ng anumang dayuhang puwersa sa mga suliraning panloob ng mga kasaping bansa at kinakatigan ang pangangalaga ng mga kasaping bansa sa kanilang soberanya at kabuuan ng teritoryo.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio