Embahador ng Amerika sa Tsina, ipinatawag ng MFA kaugnay ng pagbisita ni Nancy Pelosi sa Taiwan

2022-08-03 15:47:20  CRI
Share with:

Pangkagipitang ipinatawag Agosto 2, 2022 ni Xie Feng, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina si Robert Nicholas Burns, Embahador ng Amerika sa Tsina upang ipahayag ang solemnang representasyon at mariing protesta ng Tsina sa pagbisita sa Taiwan ni Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika.


Sinabi ni Xie na ang pagbisita ni Pelosi sa Taiwan ay grabeng lumalabag sa prinsipyong isang Tsina at tadhana ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika.


Grabe aniya itong nakakapinsala sa pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano, tahasang lumalapastangan sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, tuwirang nakakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Straits, at nagpapalabas ng maling senyal sa puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan.”


Diin niya, hinding hindi ito babalewalahin ng panig Tsino.


Salin: Lito

Pulido: Rhio