Mensahe ng pakikiramay, ipinadala ng ministrong panlabas ng Tsina kaugnay ng pagyao ni FVR

2022-08-04 12:23:39  CMG
Share with:

Isang mensahe ng pakikiramay ang ipinadala Martes, Agosto 2, 2022 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Kalihim Luis Enrique Manalo ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, kaugnay ng pagyao ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos (FVR).

 

Ipinaabot ni Wang ang taos-pusong pakikidalamhati sa pagyao ni FVR, at pakikiramay sa kanyang mga kamag-anakan.

 

Saad niya, bilang kaibigan ng mga mamamayang Tsino, gumawa si FVR ng positibong ambag para sa pagpapasulong sa bilateral na relasyon ng Tsina at Pilipinas.

 

Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Pilipino, na pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng mapagkaibigang kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio