Ipinahayag Miyerkules, Agosto 3, 2022 ng G7 at High Representative for Foreign Affairs and Security Policy ng Unyong Europeo na ang reaksyon ng panig Tsino sa pagpunta ni Nancy Pelosi, Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika sa Taiwan ay lalo lamang magpapasidhi sa maigting nang kalagayan, at magbubunsod ng kawalang katatagan sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Bilang tugon, hinimok Huwebes ni Ma Xiaoguang, Tagapagsalita ng Tanggapan ng mga Suliranin ng Taiwan ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang kaukulang organisasyon at indibiduwal na itigil ang pagtatanggol sa puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan” at sinumang nakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa; sundin ang seryosong pangako sa usapin ng Taiwan, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon; at putulin ang anumang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina at probokasyon sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Rhio