Pagkaputol ng pagpapalitang pang-militar ng Tsina at Amerika, responsibilidad ng Amerika – Tsina

2022-08-08 15:21:00  CMG
Share with:

 

Ipinahayag ngayong araw, Agosto 8, 2022 ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang kasalukuyang maigting na kalagayan ng Taiwan Straits ay dulot ng aktibong probokasyon ng panig Amerikano sa Tsina, at lahat ng resulta ay responsibilidad ng Amerika.

 

Sinabi ni Wu na bago magpunta sa rehiyong Taiwan ng Tsina si Nancy Pelosi, Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika, maliwanag na inihatid ng panig Tsino ang paninindigan nito sa usapin ng Taiwan at relasyon ng hukbo ng dalawang bansa.

 

Tinukoy ni Wu na sa kabila ng pagtutol at protesta ng Tsina sa nasabing pagdalaw, nakipagsabwatan ang Amerika sa Taiwan, at sinasadya nitong paigtingin ang tensyon sa Taiwan Straits.

 

Kaya ani Wu, lehitimo, makatuwiran at kinakailangan ang mga katugong hakbangin ng Tsina na kinabibilangan ng pagkansela ng China-U.S. Defense Policy Coordination Talks (DPCT), China-U.S. Military Maritime Consultative Agreement (MMCA) meetings at China-U.S. Theater Commanders Talk.


Hinimok ni Wu ang panig Amerikano na aktuwal na igalang ang nukleong kapakanan at mahalagang pagkabahala ng panig Tsino at itigil ang pagkatig sa mga puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan” para mapigilan ang pag-unlad ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio