Nitong Miyerkules, Agosto 3, 2022, natapos ni Nancy Pelosi, Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika ang kanyang pagbisita sa Taiwan ng Tsina. Habang nasa Taiwan, madalas niyang binanggit ang Taiwan Relations Act, at sinabing “ginawa ng panig Amerikano ang napakatibay na pangako sa Taiwan, at pumapanig sa Taiwan.”
Sa katunayan, ang Taiwan Relations Act at mga pangako na binanggit niya ay kusang nilikha lamang Amerika. Hindi lamang ito lumalabag sa pangako ng Amerika sa tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, kundi tumataliwas din sa prinsipyong isang Tsina na unibersal na sinusunod ng komunidad ng daigdig.
Pagkaraang pumunta sa Taiwan si Pelosi, inanunsyo ng panig militar ng Tsina ang pagsasagawa ng isang serye ng magkakasanib na aksyong militar sa paligid ng Taiwan island.
Magkakasunod ding inilabas ng mga departamento ng pamahalaang Tsino ang mga ganting hakbangin.
Ito ang kinakailangang hakbangin ng Tsina para ipagtanggol ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, kaya lehitimo at makatwiran ang mga hakbangin ito.
Nakikipagsabwatan ang Amerika sa awtoridad ng Taiwan, nakakapinsala sa nukleong interes ng Tsina, at nakakasira sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan strait, kaya tiyak na magbabayad sila.
Ang Taiwan ay bahagi ng Tsina, at babalik ito sa inang bayan sa wakas. Hindi magbabago ang galaw ng kasaysayan dahil sa komedyang pulitikal ng pagpunta ni Pelosi sa Taiwan.
Hinding hindi pahihintulutan ang paghamon sa prinsipyong isang Tsina, at kasing tibay ng bato ang determinasyon ng mga mamamayang Tsino sa pagtatanggol ng soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa!
Salin: Vera
Pulido: Mac