Op-Ed: Mapayapa, matatag at maunlad na Asya, hindi “lugar ng pagpapakitang-tao” ng ilang politikong tulad ni Nancy Pelosi

2022-08-05 16:04:26  CMG
Share with:

Isang sakim at masamang palabas na pulitikal ang itinanghal kamakailan sa Asya.

Sa kabila ng mariing pagtutol at solemnang representasyon ng panig Tsino, dumalaw nitong Agosto 2, 2022 si Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika, sa rehiyong Taiwan ng Tsina.


Ito ay grabeng lumalabag sa prinsipyong isang Tsina at tadhana ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, grabeng lumalapastangan sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, bagay na nagdulot ng napakatinding kapootan sa mga mamamayang Tsino at unibersal na pagtutol ng komunidad ng daigdig.


Kung titingnang mabuti ang panahon at kalagayan ng pagbisita ni Pelosi sa Taiwan, di mahirap na makita na ito ay isang ganap na palabas ng pulitikal na puno ng panlilinlang.


Malapit nang isagawa ang mid-term election ng Amerika, at naibunyag ang mga scandal ng pamilya ni Pelosi. Upang mailipat ang pansin ng mga tao at makamit ang ari-ariang pulitikal bago dumating ang mid-term election, nagtangka si Pelosi na gamitin ang usapin ng Taiwan upang matamo ang “pamanang pulitikal.”


Ngunit sa katotohanan, nabigo ang tangka ni Pelosi sa Asya.

Ipinalabas nitong Agosto 4, 2022 ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ang pahayag na nagsasabing sinusubaybayan nito ang patuloy na umiigting na situwasyon sa Taiwan Straits.


Anito, iginigiit ng Pilipinas ang patakarang isang Tsina, at hinihimok ang may kaukulang panig na magtimpi at isaalang-alang muna ang paglutas sa alitan sa pamamagitan ng diplomasya at diyalogo.


Nauna rito, bago magsimula ang naturang pagdalaw, may impormasyong nagsasabi na dadaan muna sa Pilipinas si Pelosi bago tumulak papuntang Taiwan.


Tungkol dito, ayon sa mediang Pilipino, ipinahayag nitong Agosto 2 ni Tagapagsalita Ma. Teresita Daza ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na walang natanggap ang kanyang bansa ng anumang pasabi mula sa panig Amerikano tungkol sa pagdaan o pagdalaw sa bansa.


Ipinahayag niya na kasalukuyang mahigpit na sinusubaybayan ng panig Pilipino ang pag-unlad ng pangyayaring ito. Nanawagan din siya sa Tsina at Amerika na maging responsableng mga bansa sa mga suliranin sa rehiyong Asya-Pasipiko.


Diin pa niya, patuloy na igigiit ng Pilipinas ang prinsipyong isang Tsina, at kinikilala ang Republika ng Bayan ng Tsina bilang tanging lehitimong pamahalaan ng Tsina.


Ang ganitong pahayag ng Pilipinas ay kumakatawan ng mithiin ng nakakaraming bansang Asyano.


Sa panahon ng pagbisita ni Pelosi sa Asya, direkta o di direktang iniharap ng maraming bansang Asyano ang mungkahi sa kanya.


Ayon sa Agence France-Presse, sa kanyang pakikipagkita kay Pelosi, ipinahayag ni Punong Ministro Lee Hsein Loong ng Singapore, ang pag-asang mapapanatili ang matatag na relasyong Sino-Amerikano.


Ipinagdiinan din niya ang kahalagahan ng matatag na relasyong ito para sa kapayapaan at kaligtasan sa rehiyong ito.


Ayon sa Yonhap news agency of Korea, kinumpirma nitong Agosto 3 ng opisyal ng tanggapang pampanguluhan ng Timog Korea na dahil nakabakasyon si Pangulong Yoon Seok-Youl, hindi naayos ang pagtatagpo nila ni Pelosi.


Ipinahayag nitong Agosto 3 ng Ministring Panlabas ng Laos na ang kapayapaan at katatagang pandaigdig na kinabibilangan ng rehiyong Asya-Pasipiko ay paunang kondisyon at pundamental na batayan para sa kooperasyon at kaunlaran ng iba’t-ibang bansa. Palagian anitong iginigiit ng pamahalaang Lao ang patakarang isang Tsina, at inulit na ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina.


Bukod pa riyan, ipinahayag ni Hun Sen, Punong Ministro ng Cambodia, kasalukuyang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na buong tinding tinututulan ng kanyang bansa ang anumang pananalita at kilos na nakakapinsala sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina. Buong tatag aniyang sinusuportahan ng Cambodia ang Tsina sa pangangalaga sa nukleong kapakanan nito, at buong tatag din itong tumatayo kasama ng mga mamamayang Tsino.


Bakit inihayag ng maraming bansang Asyano ang pag kondena sa pagdalaw ni Pelosi sa Taiwan?


Unang una, ang pagbisita ni Pelosi sa Taiwan ay malubhang paglapastangan sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, at walang anumang moralidad ang pagbisitang ito.


Mula noong sinaunang panahon, ang Taiwan ay teritoryo ng Tsina. Ang suliranin ng Taiwan ay ganap na suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat ito panghimasukan ng ibang bansa.


Ikalawa, ang pagbisita ni Pelosi sa Taiwan ay isang ganap na political show na taliwas sa mithiin ng nakakaraming bansang Asyano na nagmamahal sa kapayapaan at naghahanap ng kaunlaran.


Sa kasalukuyang daigdig, nahaharap ang sangkatauhan sa mga hamong gaya ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pagbabago ng klima, at krisis ng enerhiya at pagkain.


Sa kalagayang ito, nagtatangka si Pelosi na makamit ang kapakanang pulitikal sa pamamagitan ng panggugulo ng rehiyong Asya-Paspiko. Alam ng nakakaraming bansang Asyano ang masamang tangka ni Pelosi.


Ikatlo, nagbabago ang panahon. Hindi dapat patuloy na palingkuran ng mga bansang Asyano ang kapakanang Amerikano, at dapat bigyang-wakas ang panahon ng pagyukod ng Asya sa Amerika.


“Kung naglalabanan ang mga elepante, masisira ang damuhan.” Ayaw maging biktima ng nakakaraming bansang Asyano sa kompetisyon ng mga malalaking bansa.


Sa kanyang unang SONA noong Hulyo 25, ipinagdiinan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas na patuloy na ipapatupad ng Pilipinas ang nagsasariling patakarang panlabas. Makikipagkooperasyon aniya ang Pilipinas sa iba’t-ibang bansa upang magkaroon ng mutuwal na kapakinabangan.


Napapatunayan ng katotohanan na ang paghahanap ng kapayapaan, kaunlaran, at kooperasyon ay komong mithiin ng nakakaraming bansang Asyano.


Ang isang mapayapa, matatag, at maunlad na Asya ay hindi dapat maging lugar kung saan nagpapakitang-tao ang ilang sakim at masamang politikong tulad ni Pelosi.


May-akda / salin: Lito

Pulido: Mac / Jade