CMG Komentaryo: Suliranin ng mga mamamayang Tsino, dapat ipasiya ng mga Tsino

2022-08-11 15:38:16  CMG
Share with:

Ayon sa white paper na inilabas ng Tsina Miyerkules, Agosto 10, 2022 hinggil sa usapin ng Taiwan at reunipikasyon ng bansa sa bagong panahon, ang mga suliranin ng mga mamamayang Tsino ay dapat ipasiya ng mga Tsino.

 

Ito ay nagpadala ng malinaw na mensahe: ang usapin ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina, at ito ay may kinalaman sa nukleong interes at pambansang damdamin ng mga mamamayang Tsino, kaya hinding hindi pahihintulutan ang pakikialam dito ng anumang puwersang panlabas.

 

Bilang problemang naiwan ng digmaang sibil ng Tsina, hindi pa nalulutas hanggang ang usapin ng Taiwan, at ang pinakamalaking sanhing panlabas ay pakikialam at paghadlang ng Amerika.

 

Sa tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, nakasaad na kinikilala ng panig Amerikano na iisa lang ang Tsina sa daigdig, ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina, at ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ay ang siyang tanging lehitimong pamahalaan ng Tsina.

 

Sa kabila nito, salungat ang mga aktuwal na aksyon ng panig Amerikano.

 

Sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko sa Tsina, inilunsad ng Amerika ang umano’y Taiwan Relations Act at Six Assurances, bilang katuwirang hurisprudensyal para sa pakikipagsabuwatan sa puwersang naggigiit sa “pagsasarili ng Taiwan.”

 

Nitong nakalipas na ilang taon, pinag-ibayo ng Amerika ang mga aksyon nito tungo sa pagpapawalang-saysay ng prinsipyong isang Tsina.

 

Walang humpay nitong isinagawa ang mga hadlang sa reunipikasyon ng Tsina, at nagsilbing pinakamalaking tagapagsira sa kapayapaan ng Taiwan Strait.

 

Sa ilalim ng ganitong kalagayan, naging makatuwiran, lehitimo at kinakailangan ang isang serye ng mabisang ganting-hakbangin na isinasagawa kamakailan ng Tsina, at nakatanggap ng malawakang suporta mula sa komunidad ng daigdig.

 

Sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), nakahanda ang mahigit 1.4 bilyong mamamayang Tsino na lumikha ng malawakang espasyo para sa mapayapang reunipikasyon, habang iginigiit na hinding hindi pahihintulutan ang iba’t ibang porma ng mapangwatak na aktibidad tungo sa “pagsasarili ng Taiwan.”

 

Tiyak na maisasakatuparan ang tungkuling historikal ng Tsina sa lubusang reunipikasyon.

 

Kung ito ay hindi naiintindihan ng mga nagtatangkang sugpuin ang Tsina sa pamamagitan ng usapin ng Taiwan, ang mungkahi para sa kanila ay mataimtim na basahin ang naturang white paper.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio