White paper hinggil sa usapin ng Taiwan at reunipikasyon sa bagong panahon, inilabas ng Tsina

2022-08-10 15:29:33  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Agosto 10, 2022 ng Tanggapan ng Konseho ng Estado sa mga Suliranin ng Taiwan at Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa usapin ng Taiwan at reunipikasyon ng bansa sa bagong panahon.

 

Ibayo pang inulit ng white paper ang katotohanan at kasalukuyang kalagayan na ang Taiwan ay isang bahagi ng Tsina, ipinakita ang matibay na mithiin at matatag na determinasyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at mga mamamayang Tsino sa paghangad ng reunipikasyon ng inang bayan, at inilahad ang paninindigan at patakaran ng CPC at pamahalaang Tsino sa pagpapasulong sa reunipikasyon ng bansa sa bagong panahon.

 

Diin ng white paper, ang mapayapang reunipikasyon at “isang bansa, dalawang sistema” ay pundamental na prinsipyo ng Tsina sa pagresolba sa usapin ng Taiwan, at ito rin ang pinakamabuting solusyon sa pagsasakatuparan ng reunipikasyon ng bansa.

 

Anang white paper, nakahanda ang Tsina na likhain ang malawakang espasyo para sa mapayapang reunipikasyon, samantalang hinding hindi pahihintulutan ang iba’t ibang porma ng mapangwatak na aktibidad ng “pagsasarili ng Taiwan.”

 

Hindi nakasaad sa naturang dokumento ang hindi paggamit ng dahas, sa halip, nananangan itong panatilihin ang pagsasagawa ng lahat ng kinakailangang hakbangin.

 

Ang mga hakbangin ay nakatuon sa pakikialam ng puwersang panlabas, iilang separatistang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan” at kani-kanilang mapangwatak na aktibidad, hinding hindi ito nakatuon sa mga kababayang Taiwanes, at ang dahas ay huling pagpiling gagawin sa sapilitang situwasyon, dagdag ng white paper.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac