Ipinahayag nitong Huwebes, Agosto 11, 2022 ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), na lubos na ikinababahala ng panig Tsino ang isyu ng seguridad at kalagayan ng mga pasilidad na nuklear sa Ukraine at pag-atake sa Zaporizhzhia nuclear power plant.
Idiniin ni Zhang na ang Zaporizhzhia nuclear power plant ay isa sa mga pinakamalaking nuclear power plant sa Europa at kung magaganap ang malalang aksidente doon, magiging mas malubha ang negatibong epekto kaysa sa aksidente ng Fukushima nuclear plant ng Hapon.
Nanawagan si Zhang sa mga may kinalamang panig na panatilihin ang pagtitimpi at iwasan ang paggamit ng mga aksyong makakapinsala sa seguridad ng nuclear power plant.
Sinabi rin ni Zhang na dapat pasulungin ng komunidad ng daigdig ang maayos na paglutas sa krisis ng Ukraine sa pamamagitan ng responsibleng paraan.
Salin: Ernest
Pulido: Mac