Magkasanib na pagsasanay ng mga hukbong panghimpapawid ng Tsina at Thailand, binuksan

2022-08-15 16:17:45  CMG
Share with:

Udorn Royal Thai Air Force Base, Thailand—Binuksan nitong Linggo, Agosto 14, 2022 ang magkasanib na pagsasanay ng mga hukbong panghimpapawid ng Tsina at Thailand.

 

Ito ang ika-5 beses ng magkasanib na pagsasanay ng dalawang hukbo.

 

Layon nitong pahigpitin ang pagtitiwalaan at pagkakaibigan ng dalawang hukbo, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, at magkasamang ipagtanggol ang seguridad at katatagan ng rehiyon.

 

Inihayag ni Chen Jun, Pangkalahatang Komander ng panig Tsino sa nasabing pagsasanay na kasabay ng pagpapalalim at pagpapalawak ng magkasanib na pagsasanay, tiyak na patataasin ang technical at tactical level ng kapuwa panig.

 

Sinabi naman ni Wachirapon Muangnoi, air vice marshal ng Thailand, na pananatilihin at pahihigpitin ng kasalukuyang pagsasanay ang relasyong pangkaibigan ng mga hukbong panghimpapawid ng dalawang bansa, at palalakasin ang seguridad at depensa ng rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Lito