Embahadang Tsino, pagtutol sa pagdalaw ng mga mambabatas ng Amerika sa rehiyong Taiwan

2022-08-15 15:20:57  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng pagpunta ng delegasyon ng mga mambabatas ng Amerika sa rehiyong Taiwan kahapon, Agosto 14, 2022, ipinahayag nang araw ring iyon ni Liu Pengyu, Tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Amerika, na mariing tinututulan ng Tsina ang anumang opisyal na pagpapalagayan ng Amerika at Taiwan at isasagawa ang ganting-hakbangin sa mga probokasyon ng Amerika.

 

Sinabi ni Liu na ang nasabing pagbisita ng delegasyon ng mga mambabatas ng Amerika sa rehiyong Taiwan ay isang bagong probokasyon ng Amerika para makapinsala sa katatagan ng Taiwan Straits at makialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.

 

Ang naturang delegasyong Amerikano ay pinamunuan ng Senador na si Ed Markey mula Massachusetts.


Salin: Ernest

Editor: Lito