CMG Komentaryo: Kabuhayang Tsino, patuloy na lumalaki

2022-08-16 15:15:10  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas ng National Bureau of Statistics (NBS) nitong Agosto 15, 2022, patuloy na tumataas ang mga pangunahing datos sa kabuhayang Tsino nitong nagdaang Hulyo.


Ayon sa datos, ang value-added industrial output ay tumaas ng 3.8% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2021.


5.4% ang unemployment rate sa mga lunsod at bayan ng Tsina na bumaba ng 0.1% kumpara sa nagdaang Hunyo ng taong ito. Samantala, ang Consumer Price Index (CPI) ay tumaas ng 2.7% lamang. Ito ay nagpapakita ng katatagan ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino at presyo ng mga paninda sa pamilihang Tsino.


Ito ay bunga ng pagsasakatuparan ng pamahalaang Tsino ng mga hakangin sa pagpapasulong ng kabuhayan kasabay ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).


Dahil dito, puno ng pananalig ng mga dayuhang bahay-kalakal sa kabuhayang Tsino. Ayon sa ulat kamakailan ng American Chamber of Commerce in China at German Chamber of Commerce in China, mahigit 60% ng mga bahay-kalakal ng Amerika at mahigit 70% ng mga bahay-kalakal ng Alemanya ay nagbabalak na dagdagan ang pamumuhunan sa Tsina.


Kahit kinakaharap ang mga hamon, nananatiling maganda ang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Ito rin ay magdudulot ng mas malaking kompiyansa at puwersa sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Mac