Pinanguluhan nitong Martes, Agosto 16, 2022 sa lunsod ng Shenzhen ng lalawigang Guangdong ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang simposyum ng mga malaking lalawigang pangkabuhayan para talakayin ang gawaing pangkabuhayan sa susunod na yugto.
Ang naturang mga lalawigan ay kinabibilangan ng Guangdong, Jiangsu, Zhejiang, Shandong, Henan at Sichuan.
Sinabi ni Li na ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng 6 na lalawigan ay katumbas ng 45% ng GDP ng buong bansa, kaya dapat gumanap ang mga lalawigang ito ng pundamental na papel sa pagpapatatag ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan na gaya ng pagpapasigla sa pagtakbo ng mga market entities, paggarantiya ng kaayusan ng paghahatid ng mga paninda at pagpapatatag ng industrial chain at supply chain.
Hiniling ni Li sa mga lalawigan na dapat isakatuparan ang inaasahang target sa pananalapi at igarantiya ang laang-gugulin sa mga larangan hinggil sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Sinabi ni Li na dapat isagawa ang mga hakbangin ng paglutas sa kahirapan ng mga bahay-kalakal para makalikha ng mas maraming pagkakataon ng hanap-buhay.
Hiniling din ni Li sa mga lalawigan na isagawa ang mga hakbangin para pasiglahin ang domestikong konsumo at hikayatin ang mga dayuhang pamumuhunan.
Salin: Ernest
Pulido: Mac