Ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na dapat ibayo pang pasulungin ang reporma at pagbubukas sa labas para hanapin ang bagong puwersa sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Mula Agosto 16 hanggang 18, naglakbay-suri si Li sa lunsod ng Shenzhen ng lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina.
Sinabi ni Li na dapat komprehensibong isakatuparan ang mga plano at hakbangin ng pamahalaang sentral na gaya ng pagpapatatag ng paglaki ng kabuhayan, pagdaragdag ng mga trabaho, at paggarantiya sa hanap-buhay ng mga mamamayan.
Habang naglalakbay-suri sa Yantian Port ng Shenzhen, sinabi rin ni Li na dapat igarantiya ang maayos na takbo ng puwerto para patatagin ang supply chain at industrial chain.
Salin: Ernest
Editor: Liu Kai