Sa kasalukuyan, dinaranas ng buong Amerika ang krisis ng mataas na crime rate.
Ayon sa Mid-Year 2022 Update ng Council on Criminal Justice (CCJ) ng Amerika, batay sa datos ng 23 lunsod ng Amerika noong unang hati ng taong ito, tumaas ng 39% ang homicide rate, kumpara sa unang hati ng 2019 bago sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Bukod dito, kabilang sa 29 na pangunahing lunsod ng Amerika, magkahiwalay na tumaas ng 4% at 19% ang aggravated assaults at robberies, lumaki ng 6% ang residential burglaries, at tumaas ng 20% ang larcenies.
Nananatiling isa sa mga bansang may mataas na crime rate sa daigdig ang Amerika, pero ngayon, mas nagiging malala ang situwasyon. Ang direktang sanhi nito ay pandemiya, implasyon at iba pang elemento.
Sa pangmalayuang pananaw, ang mataas na crime rate ay talamak na sakit ng lipunan ng Amerika, at ito rin ang masamang bunga ng maraming problema na gaya ng gun violence, pagtatanging panlahi, malaking agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayaman, di-patas na sistema ng katarungan at iba pa.
Salin: Vera
Pulido: Mac