Iran: Talastasan hinggil sa normalisasyon ng relasyon sa Saudi Arabia, maganda ang kinalalabasan

2022-08-23 16:42:43  CMG
Share with:

Sinabi nitong Lunes, Agsoto 22, 2022 ni Nasser Kanani, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, na sa kasalukuyan, magandang ang bunga ng talastasan ng Iran at Saudi Arabia hinggil sa normalisasyon ng relasyon ng dalawang bansa.


Sinabi niyang dahil kinakaharap ng dalawang bansa ang mga komong isyu sa mga larangang bilateral at panrehiyon, ang talastasan ng normalisasyon ng relasyon ng dalawang bansa ay angkop sa kanilang pambansang kapakanan.


Sinabi pa niyang ginagamit ng dalawang bansa ang mga mabisang hakbangin para mapaliit ang mga agwat sa pagitan nila.


Salin: Ernest

Pulido: Mac