Mga lider na Tsino, nagpaabot ng pangungumusta sa PM ng Hapon kaugnay ng pagkahawa niya ng COVID-19

2022-08-23 12:06:11  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagkahawa ni Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ipinadala nitong Lunes, Agosto 22, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pangungumusta sa kanya.

 

Umaasa si Xi na gagaling sa lalong madaling panahon si Kishida.

 

Anang mensahe, ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng normalisasyon ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Hapon. Nakahanda si Xi, kasama ni Kishida, na pasulungin ang pagtatatag ng relasyong Sino-Hapones na angkop sa kahilingan ng bagong panahon.

 

Nang araw ring iyon, ipinaabot naman ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pangungumusta sa kanyang Japanese counterpart.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac