Kinatagpo nitong Agosto 17, 2022 sa Palasyong Malakanyang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas si Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas.
Malalim na nagpalitan ng kuru-kuro ang kapwa panig tungkol sa relasyong Pilipino-Sino, pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa, Taiwan, South China Sea, at iba pang tema.
Lubos na pinapurihan ni Pangulong Marcos ang kasalukuyang relasyong Pilipino-Sino. Inaasahan aniya ng panig Pilipino ang ibayo pang pagpapalakas ng relasyong ito upang makapaghatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Bukod pa riyan, inulit niya ang pananangan ng kanyang bansa sa patakarang isang Tsina, at iginigiit ng bansa ang indipendiyenteng patakarang panlabas.
Igigiit ng Pilipinas ang “pormang Pilipino” na may katangiang pagsasanggunian at pagkakasundo upang maayos na mahawakan ang mga hidwaan at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagang panrehiyon, diin pa ni Marcos.
Ipinahayag naman ni Huang na sa estratehikong pamumuno nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Marcos, positibo ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino.
Sinang-ayunan aniya ng kapwa panig na igiit ang pagkakaibigang Sino-Pilipino, aktibong pasulungin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at mabisang kontrulin ang alitan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian para magkasamang makalikha ng bagong “ginintuang panahon” ng relasyong Sino-Pilipino.
Dagdag pa ni Huang, sa hinaharap, handa na ang panig Tsino na ayon sa pangangailangan ng panig Pilipino, palalimin ang pag-uugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang bansa, asikasuhin ang kooperasyon, maayos na hawakan ang hidwaan para makapaghatid ng mas maraming aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Lito
Photo Courtesy: Embahadang Tsino sa Pilipinas