CMG, ahensya ng produksyon ng pandaigdigang pampublikong signal para sa Paris Olympics

2022-09-06 15:41:41  CMG
Share with:

Nilagdaan nitong Lunes, Setyembre 5, 2022 ng China Media Group (CMG) at Olympic Broadcasting Services (OBS) ang kasunduang pangkooperasyon sa produksyon ng pandaigdigang pampulibkong signal, at ang CMG ay pormal na magsisilbing ahensya ng produksyon ng pandaigdigang signal na pampubliko para sa 2024 Paris Olympic Games.

 


Ayon sa kasunduan, isasabalikat ng CMG ang produksyon ng pandaigdigang pampublikong signal ng mga paligsahan ng 4 na sports na kinabibilangan ng gymnastics, table tennis, badminton at sport climbing.

 


Dumalo sa seremonya ng paglagda sina Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at Yiannis Exarchos, CEO ng OBS.

 

Ipinadala ni Presidente Thomas Bach ng International Olympic Committee (IOC) ang liham bilang pagbati sa CMG.

 


Sinabi ni Shen Haixiong na ang pagsali ng CMG sa pagsasahimpapawid ng Paris Olympic Games ay nagpapakita ng lubos na pagpapahalaga ng IOC at OBS sa kakayahang pansiyensiya’t panteknolohiya at lebel ng pagkokober ng CMG sa mga kaganapang pampalakasan.

 

Itinuturing naman ni Exarchos ang CMG bilang maaasahang partner ng OBS.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac