Pangulong Tsino, ginawaran ng Order of the Golden Eagle ng Pangulong Kazakh

2022-09-15 11:58:45  CMG
Share with:

Ak Orda Presidential Palace sa Nur-Sultan, Kazakhstan—Tinanggap nitong Miyerkules, Setyembre 14, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang Order of the Golden Eagle, o kilala rin bilang "Altyn Qyran" Order, na ibinigay ni Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan.

 


Ang naturang gawad ay pinakamataas na parangal ng Kazakhstan, para sa mga bukod-tanging personaheng gumawa ng mahalagang ambag sa bansa, na kinabibilangan ng mga banyagang lider na nakapagpasulong sa relasyong panlabas ng Kazakhstan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac