Magkasanib na pahayag hinggil sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Kazakhstan, isinapubliko

2022-09-15 12:07:24  CMG
Share with:


Isinapubliko nitong Miyerkules, Setyembre 14, 2022 ng Tsina at Kazakhstan ang isang magkasanib na pahayag hinggil sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Sa nasabing pahayag, binigyan ng Kazakhstan ng malaking pagpapahalaga ang bagong pilosopiyang pangkaunlaran at dalawang sentenaryong target ng Tsina.

 

Samantala, pinupurihan naman ng Tsina ang mabisang pagpapatupad ng Kazakhstan ng 2030 strategy nito.

 

Nangako ang kapuwa panig na patuloy na susuportahan ang nukleong kapakanan ng isa’t isa na gaya ng soberanya, seguridad at kabuuan ng teritoryo.

 

Inihayag din nila ang pag-asang ibayo pang palalawakin ang bilateral na kalakalan, at palalalimin ang kooperasyon sa Silk Road E-commerce.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac