Ayon sa pinakahuling datos na inilabas nitong Setyembre 12, 2022 sa Gun Violence Archive website ng Amerika, pagpasok ng kasalukuyang taon, mahigit 31,000 katao ang nasawi sa gun violence, at 122 katao ang karaniwang nasasawi kada araw.
Ang gun violence ay nagdudulot ng malaking takot sa lipunang Amerikano.
Kabilang dito, talamak ang gun violence sa mga paaralan.
Sa pinakamaunlad na bansa sa daigdig, bakit madalas na nagaganap ang mga krimen ng gun violence?
Tinukoy ng tagapag-analisa na ito ay sanhi ng mahirap na pagsusog sa alituntunin ng Second Amendment ng Konstitusyon ng Amerika hinggil sa pagmamay-ari ng baril, at alitan ng dalawang partido ng Amerika sa isyu ng pangangasiwa at pagkontrol sa baril.
Sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), lumalala ang mga talamak na sakit ng lipunang Amerikano na gaya ng diskriminasyong panlahi at malaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Sa ilalim ng samu’t saring presyur, tumaas ang kawalang kasiyahan ng mga mamamayan, bagay na nakapagpasidhi sa mga insidente ng karahasan.
Sa ilalim ng mapagkunwaring “demokrasyang istilong Amerikano,” malayong malayo pa ring makawala ang Amerika sa takot na dala ng pamamaril.
Salin: Vera
Pulido: Mac