Tsina tutol sa paggamit ng mga kanluraning bansa ng ilegal at unilateral na sapilitang hakbangin

2022-09-15 15:46:26  CMG
Share with:

Sa pulong kahapon, Setyembre 14, 2022 ng ika-51 sesyon ng Human Rights Council ng United Nations (UN), tinukoy ng kinatawan ng Tsina na ang unilateral na sapilitang hakbangin ay malubhang lumalabag sa pandaigdig na batas, at madalas na isinasagawa ng Amerika at ilang bansang kanluranin ang ganitong mga hakbangin batay sa kani-kanilang domestikong batas.


Aniya pa ang naturang mga hakbangin ay nagdudulot ng malawak na kapinsalaan sa karapatang pantao ng mga apektadong bansa.


Ipinahayag ng panig Tsino na palagiang tinututulan nito ang paggamit ng ilegal at unilateral na sapilitang hakbangin sa ibang mga bansa sa mga paraang pulitikal, pangkabuhayan at militar.


Nanawagan din ang Tsina sa Human Rights Council na kondenahin at itigil ang mga unilateral na sapilitang hakbangin ng Amerika at mga kanluraning bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Mac