Tsina, kinakatigan ang kooperasyon ng Azerbaijan sa SCO –Xi Jinping

2022-09-16 14:41:02  CMG
Share with:

Sa pakikipagtagpo sa kanyang Azerbaijani counterpart na si Ilham Aliyev kahapon, Setyembre 15, 2022, sa Samarkand, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kinakatigan ng panig Tsino ang kooperasyon ng Azerbaijan sa Shanghi Cooperation Organization (SCO), para sa seguridad, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon.

 

Ang Azerbaijan ay isa sa mga dialogue partners ng SCO.

 

Winewelkam din niya ang pagsali ng Azerbaijan, kasama ng Tsina, sa pagpapatupad ng Global Development Initiative (GDI) at Global Security Initiative (GSI).

 


Inihayag naman ni Aliyev ang pagsuporta sa naturang mga initiatives na iniharap ng panig Tsino.

 

Aniya, aktibong sasali ang kanyang bansa sa Belt and Road cooperation ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac